Kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na makikipag-ugnayan si Pangulong Ferdinand âBongbongâ Marcos Jr. sa Kongreso, upang humiling ng âemergency powersâ hinggil sa âexcise taxâ ng mga produktong petrolyo.
Kasunod ito ng katakot-takot at nakakalulang pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa walang-tigil na tensyon sa pagitan ng mga bansang nasa Middle East.
âAccording to [Department of Energy (DOE)] Secretary Garin, nakausap po natin sila, nakikipag-ugnayan po sila, at ang panawagan po nila ay gagawin itong Lunes na ito,â saad ni Usec. Castro sa panayam niya sa media nitong Lunes, Marso 9.
Sa kasalukuyan, si PBBM ay nasa New York, sa Estados Unidos, upang manawagan ng kapayapaan hinggil sa nagaganap na girian sa rehiyon ng Gitnang Silanganâat ang kaligtasan ng mga sibilyan, partikular na ang mga Pilipinong naroroon.
MAKI-BALITA: PBBM nakatakdang bumisita, manawagan ng kapayapaan sa UN ugnay sa sigalot sa Middle East!-Balita
Sa kaugnay namang ulat, matatandaang umapela kamakailan si Sen. Kiko Pangilinan patungkol sa pansamantalang suspensyon ng excise tax sa langis at activation ng fuel subsidy.
âNanawagan tayo sa pamahalaan na pansamantalang suspindihin ang excise tax sa fuel at agad i-activate ang fuel subsidy programs upang maibsan ang epekto ng tumitinding tensyon sa Middle East sa mga manggagawang Pilipino,â saad ni Sen. Kiko sa kaniyang Facebook post kamakailan.
MAKI-BALITA: Sen. Kiko, ipinanawagan pansamantalang suspensyon ng 'fuel excise tax,' fuel subsidy activation-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA
Photo courtesy: RTVM/YT, MB