April 13, 2026

Home BALITA Probinsya

DILG, 'di tatanggap ng 'installment' sa pagpapasuko 17 suspek sa hazing victim sa Cavite

DILG, 'di tatanggap ng 'installment' sa pagpapasuko 17 suspek sa hazing victim sa Cavite

Sumuko na ang apat sa 17 fratmen na mga suspek sa pagkamatay sa isang 19 taong gulang na hazing victim sa Cavite.

Noong Linggo, Marso 8 sumuko ang apat na suspek kasama ang kani-kanilang mga abogado at ilang miyembro ng Tau Gamma Phi.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla nitong Lunes, Marso 9, 2026, mismong ang Tau Gamma ang nangakong isusuplong nila ang kanilang mga miyembrong sangkot sa naturang hazing case.

"They surrendered yesterday [Sunday]. That's the promise of the national leadership of Tau Gamma, that they will surrender them," ani Remulla.

Saad pa ni Remulla, batay sa kanilang pag-uusap ng Tau Gamma, ay nangako raw ang grupo na isusuplong nila ang kanilang mga miyembro sa loob lamang ng tatlong araw.

Probinsya

‘One Cainta Pantry,’ muling binuhay dahil sa krisis

MAKI-BALITA: Matapos may muling mabiktima ng hazing: SILG Remulla, tatagpuin 'frat leaders' sa Cavite

Nangyari ang pagsuko ng apat na miyembro sa unang araw matapos kanilang pag-uusap.

"They promised to help so I have them three days. It's day two today [Monday] so let's see if they would be able to surrender them all tomorrow," anang DILG Secretary.

Matatandaang pumutok sa balita ang sinapit ng biktima matapos siyang isugod sa ospital ng ilang kalalakihan at iginiit na biktima umano ito ng hit and run. Subalit nang suriin ng doktor, doon na naghinala ang ospital sa pagiging hazing victim ng biktima.

Samantala, nanindigan din si Remulla na hindi raw sila manananggapan ng utay-utay na pagsuko ng mga suspek.

"We will not allow installment-like surrender. They should not wait for the time that the entire forces of the law will run after them," aniya.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay kasalukuyan ng may hawak na anim na suspk ang Cavite police-apat sa kanila ang mga miyembrong sumuko noong Linggo, isang fratman na sumuko noong Marso 7 at driver na naunang napunta sa kustodiya ng pulisya.