Hindi na muling papayagang lumabas ang mga bata edad lima pataas dahil sa banta ng Delta variant ng coronavirus disease (COVID-19), ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

“Latest natin diyan ay hindi na muna nating papayagan sa ngayon,” ayon sa panayam ni Duque sa TeleRadyo nitong Biyernes, Hulyo 23.

Nagdesisyon ang IATF matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang local transmission ng mas nakahahawang COVID-19 variant sa bansa.

“Dahil nagkaroon na tayo ng Delta variant, nagkaisa ang IATF na i-aatras muna itong resolution na ito,” ayon kay Duque.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Tinutukoy ni Duque ang IATF Resolution No. 125, na pinapayagang lumabas ang mga bata edad lima pataas sa mga lugar sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ.

“Kung makita naman na hindi naman patuloy na tumataas lalo dito sa NCR (National Capital Region), baka pwedeng ibalik natin yung Resolution 125,” aniya.

Jhon Aldrin Casinas