Bago pa man ang pormal na pagbubukas ng Tokyo Olympics sa Lunes ng gabi, Hulyo 26, sinimulan na ng rower na si Cris Nievarez ang kampanya ng bansa sa ginaganap na quadrennial games.

Umusad sa quarterfinal round ng men's single sculls ang tubong Atimonan,Quezon rower nang tumapos itong pangatlo sa kanyang preliminary heats sa Sea Forest Waterway sa Odaiba, Tokyo bay nitong Biyernes ng umaga.

Nagtala si Nievarez ng tiyempong pitong minuto at 22.97 segundo kasunod ng nangunang si Damir Martin ng Croatia (07:09.17) at ng pumangalawang si Alexander Vyazovkin ng Russia (07:14.95).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tatangkain ni Nievarez na makausad sa medal round sa pagsabak niya sa quarterfinals sa Lunes sa nasabi ring venue. 

Marivic Awitan