Inaprubahan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtataas ng presyo sa ilang pangunahing bilihin sa kabila ng matinding epekto ng pandemya sa bansa.
Pinaboran ng DTI ang hirit ng mga manufacturer na magpatupad ng price increase sa kanilang produkto sa dahilang tumaas ang presyo ng raw materials.
Depensa naman ni DTI Secretary Ramon Lopez, nasa 1% hanggang 7% lamang ang inaprubahan nilang pagtataas ng presyo ng mga manufacturer ng kape, gatas, sardinas, canned goods at noodles na katumbas ng hanggang P1.00 matapos ang halos dalawang taon ng walang paggalaw sa presyo ng bilihin.
Bella Gamotea