Dalawang shipment na naglalaman ng P10 milyong halaga ng smuggled na pulang sibuyas ang sinamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa Maynila, nitong Martes, Hulyo 20.

Idineklarang yellow onions ang shipment ng consignee nito na mula China, na nadiskubre ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Manila International Container Port (MICP) nitong Hulyo 9.

Kinilala ang consignee na si Flevo Trading, na nadakip na ng CIIS-MICP para sa katulad na paglapag.

Ayon kay MICP District Collector Romeo Allan Rosales, nakatanggap sila ng impormasyon na ang shipment na naka-consigned sa Flevo Trading “could contain red onions without the required permits from the Bureau of Plant Industry (BPI).”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Agad namang naglabas ng Alert Order si Rosales para sa naturang shipment upang mabusisi ang laman kung saan natukoy nga na naglalaman ang kargamento ng red onions.

Matapos ang examination, isang Warrant of Seizure Detention ang inilabas laban sa shipments.

Ayon sa CIIS, itinuturing ang red onions na “regulated goods,” kaya naman kinakailangan ang karampatang permits at dapat itong idineklara nang tama.

Martin Sadongdong