Dumating na ang mga miyembro ng Team Philippines sa Japan para sa kanilang pagsabak sa Tokyo Olympics.

Unang dumating ang boxer na si Eumir Marcial at ang rower na si Cris Nievarez noong Sabado sa kumpirmasyon na rin ng Philippine Olympic Committee.Nitong Linggo, sumunod naman si weightlifter Hidilyn Diaz kasama ng team nito, kasama ang kapwa weightlifter na si Elreen Ando, shooter na si Jayson Valdez at gymnast Carlos Yulo.

Dumating din sa Tokyo nitong Linggo ang taekwondo jin na si Kurt Barbosa.

May kabuuang 19 na atleta na nakatakdang kumatawan sa Pilipinas sa darating na Summer Games. 

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Marivic Awitan