Minaliit ng ilang convenors ng opposition coalition na 1Sambayan ang pangunguna sa survey ng tandem nina Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Binigyang-diin ng grupo, ang totoong survey na makikita sa halalan ay pagdating ng Marso sa susunod na taon.

Sa online media briefing ng grupo nitong Huwebes, Hulyo 15, inilatag ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang resulta ng Pulse Asia survey kamakailan kung saan nangunguna ang mga Duterte sa listahan na nagugustuhan ng mga Pilipino sa pagka-presidente at bise presidente.

“Well, if you look at the surveys in the past presidential elections since the time of President Ramos, all those leading in the surveys at this time lost, never won. So, the surveys now do not reflect the actual result of the election,” ayon kay Carpio.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“The real surveys that will be reflective of the election will be sometime in March because everything is fluid. Everyone who led the surveys at this time of the year lost,”dagdag pa niya.

Sinuportahan naman ito ng abogadong si Howard Calleja, isa sa mga convenors, na nagsabing, “we are very much in the running.”

Kumpiyansa rin ito na "majority sa oposisyon ay mananalo."

“Kung titingnan po natin lahat at titimbangin natin ang lahat ng kanilang mga pinagsama-samang numero, sa tingin po natin ay united opposition, one candidate can win over Sara Duterte or any candidate of the administration,”paliwanag ni Calleja.

Isinagawa ang survey nitong Hunyo 7 hanggang Hunyo 16 kung saan lumabas ang pangalan nina Bise Presidente Leni Robredo, Senador Grace Poe, dating Senador Antonio Trillanes IV, at maging si Carpio na pinaniniwalaan nila na mga kandidato ng oposisyon.

Pang-apat si Poe na mayroong 10 na porsyento, Pang-anim si Robredo na mayroong 6 na porsyento, at si Trillanes na pang-11 na mayroong 2 na porsyento.

Nangunguna naman si Duterte-Carpio na mayroong 28 na porsyento, sinusundan ni Manila Mayor Isko Moreno na 14 na porsyento, dating Senador Bongbong Marcos na 13 na porsyento, Senador Poe na 10 na porsyento, at Senador Manny Pacquiao na 8 na porsyento.

Sinabi ni Calleja na kahit si Duterte-Carpio ang nangunguna sa surveys, ito ay “stagnant.” Ang trust rating ni Pangulo na 70 o 80 na porsyento ay hindi sumasalamin sa mga boto, dahil ipinapakita lang nito ang 18 na porsyento ng mga respondents na boboto sa kanya, kung gaganapin ang eleksyon sa panahon nang isagawa ang survey.

“So, iyong transferability from popularity to a vote, nakita naman natin hindi naman ‘yan nagta-transfer dito para sa mga kandidatong ito. And we all we need is unite and have one candidate,”aniya.

Dagdag pa niya, ang opposition ay nasa tamang posisyon dahil “when we peak, we will peak by November.”

Raymund Antonio