Nanawagan si dating Senador Antonio Trillanes IV sa mga Pilipino na magparehistro na para sa pagbabago.

Sa isang video na pinost sa official Facebook page niya, hinimok ng dating senador, na tatakbo bilang presidente o bise presidente, na gawin ng mga Pilipino ang kanilang parte sa pagbuo ng bansa. 

“Alam n’yo madalas ko marinig ang mga salitang walang magagawa ang isang boto ko para sa pagbabago. Ang totoo… meron! Walang halong bola, walang halong biro. May magagawa ang boto mo kung sama-sama tayo,” ayon kay Trillanes.

“Ang isang boto mo pwede maging isang daan, isang libo, isang milyon, isang pagbabago,” dagdag pa niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hiniling niya sa mga Pilipino na kapag bumoto, hikayatin din ang kanilang mga ate, kuya, nanay, tatay, kaibigan, ka-ibigan, kapitbahay, kalaro, at lahat ng puwedeng mahikayat.

Ginamit ni Trillanes ang hashtag na #pilipinaswalangsusuko, na ang literal na kahulugan ay “Philippines, no to surrender.”

“Magparehistro para makaboto sa susunod na halalan. Tuloy-tuloy lang ang laban,” aniya.

Raymund Antonio