Mukhang susubukan na rin ng award-winning actor na si Arjo Atayde ang pagpo-produce at directing.

Nagbukas kasi ang aktor ng sarili niyang production house na tinawag niyang Feelmaking Productions Inc., kung saan ipinangako niya sa mga fans na ang “FEEL” sa pelikula.

Well, may meaning naman ito. Pagbabahagi ni Arjo sa Instagram, nangangahulugan itong “Freedom to create, Express emotions in an artistic manner at the same time produce Euphoric content that would touch people’s Lives in a positive manner.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Proud naman na nag-congratulate ang kanyang ina, ang aktres na si Sylvia Sanchez at kapatid niyang si Ria Atayde para sa bagong milestone ng aktor.

Ang tagline ng kanyang kumpanya, “Collaborate to begin. Capture to remember. Create to feel. We put the FEEL in film.”