Nakauwi na sa Pilipinas ang 348 stranded na overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Dubai at Abu Dhabi nitong katapusan ng linggo, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

(Photo from DOLE)

Ayon sa DOLE, ito na ang pang-apat na batch ng repatriation matapos magdeklara ng travel restrictions ang IATF mula sa pitong bansa.

Sa ulat kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Dubai, ang mga OFWs ay nakaalis sa UAE noong Sabado, Hulyo 10, at nakarating sa Maynila ngayong Linggo ng umaga, Hulyo 11 sa pamamagitan ng flight PR 8659 ng Philippine Airlines.

Ayon kay Bello, kasama sa mga pinauwi ang 67 na buntis, 30 OFWs na may medical cases,anim na OFWs na nanatili sa Bahay Kalinga sa Dubai, at dalawang OFWs nananatili sa Bahay Kalinga sa Abu Dhabi.

Ang gastos sa chartered flight ng mganatitirang OFWs na may mga nakanselang flight o overstayers sa UAEay sasagutin ng OWWA, ayon kay Bello.

Sasailalim sa quarantine ang mga pinauwing OFWs at ihahatid sa kani-kanilang bayan matapos ma-clear at magnegatibo sa COVID-19.

Magkakaroon pa ng apat na DOLE-OWWA repatriation sa Hulyo 12, 17, 27 at 30, ayon sa DOLE.

Elision Quismorio