Umalis patungong United States alas-10 ng gabi nitong Sabado si Senator Manny Pacquiao para mag-ensayo sa darating nitong laban kay American welterweight champion Errol Spence sa Augusto 21.
Nakita si Pacquiao sa airport na may hawak na passport at napapaligiran ng kanyang mga entourage bago ang kanyang pag-alis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.
Umalis sa Pilipinas ang 42-anyos na boxing champ sa gitna ng palitan ng verbal sparring nila ni Pangulong Duterte, na kapwa Mindanaoan. Nagsimula ito nang iniugnay ni Pacquiao sa katiwalian ang ilang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Bagama’t hindi pa niya opisyal na idineklara, pinaniniwalaang tatakbo si Pacquiao sa pagkapangulo sa darating na eleksyon sa Mayo 2022.
Ariel Fernandez