Tiyak maraming mga fanatic ang matutuwa sa kinagiliwan, kinainipan, at sinubaybayan ng mga tao ang pagbabalik ng panghapong teleserye ng GMA-7 ang “Prima Donnas.” 

Bakit kamo? Kumpirmadong may Book 2 dahil inihayag ito ng Kapuso actress na si Katrina Halili sa recent guesting niya sa “The Boobay and Tekla Show” (TBATS).

Aniya, “Thank you, thank you po sa lahat po ng sumuporta sa “Prima Donnas” at huwag kayong mag-alala kasi mayroon po kaming Book 2 next month. Magii-start na kami ulit dahil sa pagmamahal at suporta ninyo sa amin kaya may Book 2 tayo guys.”

Pagbabahagi ni Katrina magmula raw nang matapos ang taping ng “Prima Donnas” noong December nagstay na raw siya sa El Nido Palawan. Dahil na rin sa nagkaroon ng lockdown sa Manila. Masaya si Katrina dahil muling magkikita kita sila ng mga main cast ng “Prima Donnas.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nag-invest na rin ng malawak na lupain si Katrina sa Palawan na kanyang ineenjoy ang simpleng buhay habang siya ay naroon.

Saad niya, “Mas masaya mas may freedom kami doon kasi nandoon lang kami sa farm tapos kapag nagugutom ka magpahuli ka ng manok magluto ka doon tapos mamulot ka ng itlog, organic egg.”

Walang pagsidlan ng saya si Katrina dahil kasama niya ang kanyang anak na si Katie at ang kanyang pamilya sa Palawan. Hindi naman nakakapagtaka na magkaroon ng lupain si Katrina doon dahil tubong Palawan ang aktres.

Kamakailan nga, spotted sila ng award-winning actor na si John Lloyd Cruz sa El Nido Palawan na ayon sa balita nakabili rin ang aktor ng lupa sa naturang lugar.

Nang mapunta ang usapan sa dating karelasyon ni Katrina, ang singer na si Kris Lawrence matipid na ok lang daw sila ang tanging nasagot ng aktres na tila ayaw nang pag-usapan pa ang mang-aawit. Nitong pandemic nahilig na rin si Katrina sa panonood ng K-drama.

Katunayan naging crush na niya ang Koreanong si Park Seo Joon na giit niya ay naadik na raw siya sa actor at kinilig na rin. Yun na!

Dante A. Lagana