Maaaring makamit ng Pilipinas ang population protection mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) bago sumapit ang Pasko ngayong taon kung ang daily vaccination rate sa bansa ay mapatataas pa ng hanggang 350,000.

Ayon sa OCTA Research group, kung madodoble ang kasalukuyang average ng 195,400 inoculations araw-araw ay mangangahulugan ito na makapagtuturok ng mahigit sa 60 milyong bakuna pagsapit ng Nobyembre 15.

Anila, sapat na ang naturang bilang upang makamit ng bansa ang population protection bago ang Christmas 2021.

Una nang inihayag ng pamahalaan na target nilang magkaroon ng herd immunity sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal o NCR Plus areas, pagsapit ng Nobyembre 27 ngayong taon.

Eleksyon

JIL Church, nag-endorso ng 5 senatorial candidates

Ikinatwiran ng OCTA, ang target para sa population protection o COVID-19 containment ay makapagbakuna ng 40% hanggang 50% ng populasyon, partikular na sa priority areas.

Kung magpapatuloy naman anila ang pag-administer ng bansa ng 195,400 bakuna araw-araw, ang total na mababakuhana pagsapit ng Nobyembre 15 ay nasa 40 milyong indibidwal.

Ayon sa Department of Health (DOH), hanggang noong Hunyo 20 ay nakapag-administer na ang Pilipinas ng kabuuang 8.4 milyong doses ng bakuna.

Sa naturang bilang, 6.2 milyon ang first doses pa lamang habang 2.1 milyon naman ang fully vaccinated na o nakakuha na ng second doses.

Mary Ann Santiago