Nilinaw kahapon ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na maaari namang alisin ng isang indibidwal ang suot na face shields kung nasa labas ng tahanan upang makaiwas sa aksidente.

Ang pahayag ay ginawa ni Health Undersecretary at treatment czar Leopoldo Vega sa isang televised press briefing nang matanong hinggil sa polisiya ng pamahalaan na karagdagang protective equipment laban sa COVID-19.

Aniya, hindi na kinakailangan pa ng mga nagtatrabaho o naglalakad sa open-air o outdoor settings na magsuot ng face shields dahil kailangan lamang naman aniya itong isuot kapag nasa indoor, gaya ng malls, o kapag may face-to-face interaction sa loob ng isang establisimyento.

Kung nasa labas naman aniya ay mababa ang panganib ng hawahan kaya kung naglalakad lamang sa kalye o sa labas naman ang trabaho ay maaari na itong tanggalin.

National

PCO, kinumpirmang sina PBBM, FL Liza sumagot sa hospital bills ni Nora Aunor

Binigyang-diin naman ni Vega na kailangan pa ring magsuot ng face shields sa mga closed spaces o mga kulob o saradong lugar.

“Ang face shields kailangan lang naman talaga 'yan 'pag nasa indoor ka, 'pag nasa mall ka or pag may interaction ka face-to-face inside,” paliwanag ni Vega.“Kapag nasa outside naman, ang risk of transmission is very low. 'Pag naglalakad ka sa kalye, baka maka-affect 'yung moist nito so puwede ninyo pong tanggalin 'yan.”

“Kapag pumasok kayo indoors po kailangan may face shields kasi ito 'yung added protection na hindi kayo maka-transmit o mahawaan kayo,” aniya pa.

Mary Ann Santiago