DAVAO CITY – Hindi nakaligtas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) complications ang gobernador ng Davao del Sur na si Douglas Cagas.

Ito ay nang bawian ng buhay si Cagas nitong Huwebes ng umaga.

Kinumpirma rin ng pamilya ni Cagas ang pagkamatay nito.

"It is with our deepest sorrow that we announce the passing of Governor Douglas "Dodo" Cagas this morning owing to COVID complications. He has joined his creator in heaven," ayon sa pahayag ng pamilya ng gobernador.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Si Cagas ay dating nanilbihan bilang assemblyman mula 1985 hanggang 1986 at naging kongresista mula 1998 hanggang 2007. Pagkatapos ay nanilbihan din bilang gobernador sa nasabing lalawigan mula 2007 hanggang 2013, 2016 hanggang 2019, at 2019 hanggang sa kasalukuyan.

Zea Capistrano