Kinumpirma ng Skate Pilipinas na "virtually qualified" na si Filipina skateboarder Margielyn Didal sa Tokyo Olympics.

Bagamat hindi umabot ng finals sa 2021 World Street Skateboarding Championships na ginaganap sa Rome, Italy, nakasisiguro na umano si Didal ng slot sa Tokyo Olympics dahil sa kasalukuyan nitong world ranking

"The official announcement of qualified skaters will only be released after the World Championships Finals in Rome, but Skate Pilipinas would like to be the first to announce that our very own Margielyn Didal has earned a slot for the Tokyo Olympics. Congratulations Margie! Mabuhay ka Margie!" ayon sa post ng national federation ng sport sa social media.

Nasa ika-13 puwesto sa ngayon si Didal sa world rankings kung kaya pasok sya sa top 16 cutoff na bibigyan ng Olympic berth.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inaasahan pang aangat sya sa rankings dahil tatlong skateboarders bawat bansa ang pinapayagang makalahok sa global sports competitions na gaganapin sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

Nagtapos ang 21-anyos na Cebuana sa world competition na siyang final Olympic qualifying tournament para sa skateboarding na pang-17 sa naitala niyang final run score na 8.04.

Marivic Awitan