Ang karahasan laban sa mga bata ay may iba't ibang anyo—pisikal, emosyonal, at sexual—at nangyayari ito maging sa iba't ibang lugar, tulad sa sariling bahay, komunidad, eskwelahan, at online. Sa Pilipinas, bago pa man magka-pandemya, nakaranas na ang mga bata ng karahasan kahit sa bahay, sa eskwelahan, sa trabaho, sa komunidad, o maging habang nakikipag-date, ayon ito sa National Baseline Study on Violence against Children by the Council for the Welfare of Children at UNICEF Philippines.

Pinalala ng COVID-19 ang kahinaan ng mga bata sa karahasan at pananamantala. Sa buong mundo, halos 1.8 na bilyong bata ng nakatira sa 104 na bansa kung saan ang pag-iwas sa karahasan at pagtugon sa serbisyo ay nagambala.

Sa Pilipinas, iniulat ng Office of the Cybercrime ng Department of Justice na tumaas ng 260 na porsyento sa cyber-tips na nauugnay sa online sexual exploitation at pang-aabuso sa mga bata. (OSEAC)

Ang mga sexual predators na nakakulong sa kanilang bahay dahil sa quarantine, ginagamit ang cyberspace para makapang-biktima ng mga bata. Dahil sa kahirapan dulot ng pandemya, maraming pamilyang Pilipino ang nakikipagsapalaran sa mga online sexual trafficking para lamang mabuhay.

Kamakailan, nagsagawa ang gobyerno, partikular na ang pamunuan ni Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista, ng high-level dialogue, kasama ang United Nations Special Representative on Violence Against Children (VAC) na si Dr. Najat Maalla tungkol sa pagsulong ng Philippine Plan of Action for End Violence Against Children 2017-2022 (PPA EVAC), upang matukoy ang mga pagsubok sa pag-iwas at pagtugon sa karahasan laban sa mga bata, at matukoy ang mga aksyon na gagawin para maisakatuparan ang mga plano para sa mga bata sa panahon at pagkatapos ng pandemya.

Iba’t iba ang mga naging kalagayan ng bawat pamilya, katulad ng paghihigpit sa paggalaw, kawalan ng kita ng nakararami, pagsasara ng eskwelahan at gambala sa mga serbisyo na nagresulta ng pagpalala sa panganib ng pag-aalaga sa kalagayan ng pag-iisip ng mga bata at matanda, at sa pagtataas ng iba't ibang uri ng karahasan sa pamilya katulad ng domestic violence at pisikal at sekswal na pang-aabuso sa mga bata.

Sa epekto ng COVID-19 sa mga bata. binigyang-diin ni Dr. Najat ang mga pangangailangan para sa gobyerno na gamitin ang paggaling mula sa pandemya bilang oportunidad para sa “build back better with and of children.”

“Bring together all key stakeholders for increased public expenditure and partnerships on an integrated system of services for children, including for physical and mental health, education, child welfare and protection, and justice.” Dagdag niya.

Kinumpirma ng gobyerno ng Pilipinas ang pangako nitong alisin ang karahasan sa mga bata na sumasalamin sa Convention on the Rights of the Child at key national policies and legislation.

Prayoridad din ng gobyerno na mapalakas ang inter-sectoral coordination, palakasin ang ang mga sistema para sa proteksyon ng mga bata sa antas ng nasyonal at lokal, magkakaroon ng koleksyon sa mga datos at pagsubaybay, pag-uulat at referral mechanisms at patuloy na pagpapalawak ng serbisyo para sa proteksyon ng mga bata.

Sa gitna ng ganitong pagsubok kung saan marami ang nahihirapan bunsod ng COVID-19 na nagresulta sa pagbagsak ang ekonomyakaya mahalagang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan angproblemang paggamit sa kahinaan ng mga bata o sexual exploitation, sa tulong na rin ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas, pilantropo at ng pribadong sektor.

Ngayon ang tamang panahon upang mailigtas ang mga bata.