BAGUIO CITY – Isang drug personality ng Baguio City ang naaresto matapos salakayin ng mga awtoridad ang pinagtataguang drug den sa Tubao, La Union, kamakailan.
Inihayag ni PDEA-Cordillera Director Gil Castro, sinalakay ng magkasanib na tauhan ng PDEA at Rehiyon I ang drug den ng suspek na si Michael Bulatao sa Tubao, La Union, sa bisa ng search warrant.
Paliwanag ng opisyal, nauna na nilang naaresto ang ilang drug addict sa sunud-sunod na operasyon sa Baguio at La Trinidad, Benguet kung saan itinuturo si Bulatao na pinagkukunan nila ng iligal na droga.
Bukod kay Bulatao, inaresto rin ang limang kliyente nito ni Bulatao nang madatnan ang mga ito sa nasabing drug den.
Nasamsam kay Bulatao ang P136,000 halaga ng droga.
Inihahanda na ang kaso laban sa mga ito, ayon pa sa PDEA.
Zaldy Comanda