Nagsimula na ang search para sa susunod na kinatawan ng Pilipinas Miss Universe beauty pageant habang inaasahan ng mga pageant expert ang isang star-studded edition ng prestihiyosong kumpetisyon ngayong taon.

Sa isang Instagram post ng MISSUUPDATES nitong Mayo 28, ilang dating Binibing Pilipinas titleholders at international Filipino fashion models ang napapabalitang susubok sa upcoming Miss Universe Philippines 2021 competition.

Ilan sa mga pangalan na lumulutang para sa MUP contest ngayong taon sina Bb. Pilipinas Globe 2019 Leren Mae Bautista, na nanalo ring second runner-up sa Miss Globe contest sa Albania; Bb. Pilipinas Intercontinental 2019 Emma Tiglao, Bb. Pilipinas International 2018; at Ma. Ahtisa Manalo, na pumangalawa sa Miss International 2018 pageant sa Tokyo, Japan.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Leren Mae Bautista

Emma Tiglao

Ma. Ahtisa Manalo

Ilan naman sa inaasahang magbabalik sa MUP stage sina Ma. Isabela Galleria, na nag-back out sa MUP 2020 matapos mag positive sa COVID-19; at si Alaiza Manalo.

Ma. Isabela Galleria

Alaiza Manalo

Ilan pa sa napabalitang sasali sa MUP race sina Asia’s Next Top Model winner Maureen Wroblewitz, Binibining Cebu Steffi Aberasturi, at pageant veteran Diana Mackey.

Maureen Wroblewitz

Steffi Aberasturi

Diana Mackey

Kung sakaling sumali ang lahat nang nabanggit, tiyak na magiging star-studded edition ito ng Miss Universe Philippines beauty pageant, ayon sa mga eksperto.

Una nang napabalita na idaraos ang Miss Universe 2021 competition sa December 2020 o January 2021.

Ikaw na ba ang susunod na Miss Universe Philippines? Ipakita ito sa universe!

Narito ang MUPh 2021 Contestants Requirements:

– At least 18-27 years old

– Filipino citizen

– At least high school graduate

– No height requirement