Nakatakdang bakunahan sa darating na Biyernes, Mayo 28 sa Manila Prince Hotel ang mga atletang Pinoy na sasabak sa darating na 2021 Tokyo Olympics at 31st Southeast Asian Games.

Ibinalita ito niPhilippine Olympic Committee President Bambol Tolentinobilang siya ang panauhin sa lingguhang Philippine Sportswriters Association Forum webcast.

Ito ay utos ng Malacañang na kasama sa prayoridad na bibigyan ng bakuna ang mga atletang kakatawan sa ating bansa para sa mga major sports events ngayong taon.

“Pasalamat po tayo at napagbigyan tayo ng IATF.” Ayon kay Tolentino.

Ranking ng Pilipinas, patuloy pagratsada sa 33rd SEA GAMES 2025

Matatandaan na naunang nang hiniling ni Tolentino sa IATF na isama sa prayoridad ang pagbabakuna sa mga atleta na sasabak sa Tokyo Olympics at Vietnam SEA Games, matapos ipahayag ng SEA Games organizing committee na magpapatupad sila ng “No vaccine, no participation policy.”

Marivic Awitan