Para sa kanyang ika-25 na kaarawan, may regalong handog ang Kapuso Power Diva na si Jessica Villarubin para sa lahat ng mayroong tinatagong insecurities.

Sa panibago niyang single under GMA Music na pinamagatang “Beautiful,” layunin ni Jessica na hikayatin ang listeners na mas mahalin ang kanilang mga sarili.

Mula sa panulat ni Marie Elisha Rodriguez, nagsisilbing simbolo ang dance track ng transformation ni Jessica mula sa pagiging isang confident at empowered performer na handang maging boses ng mga tulad niyang minsan nang na-bully at nakaramdam ng takot sa pagpapakatotoo.

“‘Di lahat ng tao may lakas ng loob na maging confident sa sarili nila, kasi yung iba nahihiya, takot, at lalo na yung mga taong naka-experience ng bullying kagaya ko.”

Musika at Kanta

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon

Kagaya nga ng sabi sa lyrics na "to show the world who you truly are," hangad ni Jessica na ma-inspire ang listeners sa kanyang pinagdaanan upang maging matapang sa buhay kahit ano man ang sabihin ng iba.

Samantala, dapat ding abangan ang performance ni Jessica at ang pagpapalabas sa unang pagkakataon ng music video nito sa May 23 sa weekend musical variety program ng GMA na “All-Out Sundays.”

Mercy Lejarde