Sa halip na katakutan dahil sa patuloy nitong pag-aalburuto, dinarayo ngayon ang isang bulkan sa Guatemala para sa atraksyon at masarap na miryenda.

Mula pa nitong Pebrero ay patuloy nang pumuputok ang Pacaya volcano sa Guatemala, kaya naman naka-high alert ang lokal na komunidad at mga awtoridad doon.

Pero para kay David Garcia, pagkakataon ito para sa kanyang kakaibang ideya—ang paglutuan ang dumadaloy na molten lava pababa ng bundok.

Pinahahanga ngayon ni Garcia, 34-anyos na accountant, ang mga turista sa kanyang “Pacaya Pizza” na niluto sa volcanic rock.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

"Many people today come to enjoy the experience of eating pizza made on volcanic heat," pagbabahagi ni Garcia sa AFP mula sa isang mabatong lugar malapit sa Pacaya crater na nagsisilbi niyang kusina.

Sa kanyang makeshift kitchen, inihahanda ni Garcia ang dough at iba pang sangkap sa metal platter na kayang tumagal sa temperatura na 1,000 degrees Celsius (1,800 degrees Fahrenheit).

Sumikat na ang volcanic pizza ni Garcia, na dinarayo ng mga turista sa lugar.

May posibilidad na mapanganib ang paraan ni Garcia lalo na sa volcanic ash na ibinibuga ng bulkan. Gayunman, hindi ito alintana ng mga turista na nais tikman ang volcanic pizza.

"Having a pizza cooked in the embers of a volcano is mind-blowing and unique in the whole world," saad ni Felipe Aldana, isang turista na dinayo ang specialities ni Garcia.

"It's ridiculous just thinking that you're going to eat something cooked on lava, but it's something that you can see only here," pahayag naman ni Kelt Van Meurs, isang Dutch tourist.

Agence-France-Presse