Hindi bababa sa pitong tao ang namatay habang isa pa ang napaulat na nawawala sa isang landslide sa minahan ng ginto sa Indonesia, pagbabahagi ng mga awtoridad nitong Martes.

Nagdulot ng landslide ang malakas na pag-ulan nitong Lunes, na nagpalubog sa minahan sa putik kasama ng mga bato at debris sa South Solok regency, West Sumatra, ayon sa local emergency department head Fikri.

Sa isang pahayag, sinabi ng ahensiya na “at least seven killed and one is missing”.

Nagawa namang mailigtas ng mga rescuers ang siyam na survivors mula a makapal na putik at patuloy na sinusuyod ang lugar upang mahanap ang isa pang nawawala.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“Initially, rescuers were having difficulties to evacuate victims to a rescue vehicle because the terrain at the site was challenging,” saad ni Fikri.

Naganap ang aksidente, dalawang linggo makalipas ang naganap na landslide sa Chinese-backed Batang Toru hydropower project sa North Sumatra, na pumatay ng sampu.

Tatlong tao pa ang nawawala nang itigil ng rescuers ang search and rescue operation sa lugar nitong nakaraang linggo.

Agence-France-Presse