ni REMY UMEREZ

Streaming ang mga awit ng pag-ibig mula sa Viva artists na sina Janine Teñoso, Viva Musika songwriter Pat Cardoza, Jom of ALLMOST, Gilyan Saludes at Magnus Haven.

Kilala si Janine sa kanyang rendisyon ng mga movie themes ng Viva. May aral na dulot ang isang relasyon ang buod ng Art of Letting Go na kinatha ni Janine.

Ang Kailan Ka Babalik ay mula sa panulat ni Pat Cardoza. Ang big winner sa search for songwriters ng Viva Musika. Ang lyrics ay hitik ng pagmamahal ng isang taong naghihintay ng special someone.

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Ang Right Here naman ay ang romantikong alay ni Jom ng bandang ALLMOST. Para ito sa mga taong nakaranas ng kabiguan at takot muling umibig.

Ibayong sigla ang idudulot ng Rosas ng alternative rock band Magnus Haven para sa umiibig kulay rosas lagi ang kapaligiran.