GINAPI  ni Filipino International Master Michael Concio Jr. si International Master Tin Jingyao ng Singapore matapos ang 53 moves ng Slav defense nitong Linggo para sa ikalawang panalo sa online Zone 3.3 Zonal Chess Championships 2021 sa Tornelo platform.

Ang Dasmariñas City, Cavite ace ay may tangan na advantageous white pieces tungo sa six-way tie para sa liderati kasama ang kababayang sina International Master Daniel Quizon at National Master Michael Gotel ng Pilipinas, International Masters Yoseph Theolifus Taher at Mohamad Ervan at Fide Master Pitra Andyka ng Indonesia.

Nakilala si Concio sa chess world matapos makopo ang International Master title at GM norm sa Eastern Asia Juniors Chess Championships sa Lima Hotel sa Tanauan City, Batangas dalawang taon na ang nakakalipas sa edad na 14.

Si Concio sa kanyang murang edad ay isa ng businessman na nagbebenta ng pritong itik at itlog ay una munang giniba si Choong Wai Edwin Lam ng Malaysia sa first round.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Tampok din si Quizon, mula din sa Dasmariñas City, Cavite na nasa gabay nina Rep. Elpidio "Pidi" Barzaga Jr. at national coach Fide Master Roel Abelgas matapos talunin ang 14-year-old Candidate Master Prin Laohawirapap ng Thailand matapos ang 44 moves ng Sicilian defense habang si Gotel mula Bulacan province ay winasiwas si International Master Azarya Jodi Setyaki ng Indonesia matapos ang 56 moves ng French defense.

Sa iba pang resulta, panalo si Taher kontra kay Fide Master Zhuo Ren Lim ng Malaysia matapos ang 55 moves ng Sicilian defense, diniskaril ni Ervan si Fide Master Austin Jacob Literatus ng Davao City matapos ang 43 moves ng Alekhine defense habang binasura ni Andyka si International Master Muhammad Lutfi Ali ng Indonesia matapos ang 28 moves ng Sicilian defense.

Samantala, napuwersa sa isang tabla via stalemate si International Master John Marvin Miciano ng Davao City kontra kay second seed Grandmaster Novendra Priasmoro ng Indonesia sa isang 62-move Dutch Defensesa kanilang slightly worse bishop versus knight endgame.

Tangan ni Miciano ang 1.5 points gaya ng naitala ng kababayang si Lone Filipino Grandmaster Darwin Laylo na winasiwas si Kimuel Aaron Lorenzo matapos ang 52 moves ng Sicilian defense.

May tig 1.5 points din ay sina National Master Merben Roque, Ellan Asuela at Jeremy Marticio ng Pilipinas, GM Priasmoro, IMs Gilbert Eroy Tarigan at Sean Winshand Cuhendi at CM Aditya Bagus Arfan ng Indonesia, FM Jagadeesh Siddharth ng Singapore, FM Lik Zang Lye at Jun Ying Tan ng Malaysia.

May fifty-two players mula sa anim na bansa ang lumahok sa event na may prize na $1,500 (about P75,000). Marlon Bernardino