JAEN, Nueva Ecija - Patay ang isang gasoline boy nang masaksak ng may-ari ng inuupahang kuwarto dahil sa umano’y hindi pagbabayad ng upa sa Bgy. Putlod nitong Biyernes ng gabi.

Kinila ni ni Investigator-on-case Staff Sergeant Gerald Catacutan ang biktima na

Joseph San Jose. Kaagad ding inaresto ng pulisya ang suspek na si Diosdado de Luna, 63, ng nabanggit ding lugar.

Arestado rin ang anak ng suspek na siTeofilo, 24, matapos sugurin ng kutsilyo ang biktima bago pa man naganap ang insidente.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sinisingil umano ng suspek ang biktima sa buwanang upa nito kahit hanggang Mayo 15 pa ang panahon ng kanilang pagbabayad hanggang sa magtalo ang mga ito na nauwi sa malagim na insidente.

Ariel Avendaño