ni LIGHT A. NOLASCO      

TALAVERA, Nueva Ecija –Patay ang isang hinihinalang dayong drug pusher matapos umanong makipagbarilan sa mga aarestong awtoridad sa isang buy-bust operation sa Barangay Calipahan, Biyernes ng madaling-araw.

Pinangunahan ni PLt. Col. Heryl L. Bruno, TPMS chief ang operasyon, katuwang ang SDEU, PIU-NEPPO na may koordinasyon sa PDEA-3.

Napatay sa engkuwentro ang suspek na si Rannie Boy Cabiso, 45, may-asawa, residente ng Bgy. Samon, Cabanatuan City matapos umano itong makahalata na police poseur buyer ang katransaksyon sa droga.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Si Cabiso ay kabilang sa talaan ng NEPPO Unified Drug watchlist na binantayan muna ng pulisya hanggang sa matiyempuhan sa nasabing barangay.

Narekober sa pinangyarihan ang isang cal. 45 pistol na walang serial number at tatlong bala sa magazine, ilang pakete ng ‘di pa matukoy na halaga ng shabu at marked-money na P1,000 peso bill.

Nakuhana rin sa katawan ng suspek ng 10-plastic sachet ng hinihinalang shabu.