April 13, 2026

Home BALITA

Senior citizen na 25 years nang tumataya sa lotto, jumackpot ng ₱100M!

Senior citizen na 25 years nang tumataya sa lotto, jumackpot ng ₱100M!

Sinuwerte ang isang senior citizen mula sa Cebu City na manalo ng ₱100,331,631.91 sa Ultra Lotto 6/58 na binola noong Marso 17, 2026. 

Ito ay matapos niyang mahulaan ang winning numbers na 29-52-49-55-25-09. 

Sa ulat ng PCSO kamakailan, ibinahagi ng lucky winner na 25 taon na siyang tumataya ng lotto.

“Matagal na po akong tumataya sa Lotto kaya hindi ko po inakala na darating din ang ganitong pagkakataon,” anang lalaking senior citizen.

Bagama't tumama noong Marso 17, kinubra niya ang premyo noong Marso 25 dahil pinoproseso pa niya ang kaniyang pagkapanalo at pinag-isipang mabuti kung ano ang kaniyang susunod na hakbang.

National

Simula Abril 14: PBBM, ibinida ang malaking rollback sa presyo ng langis!