ni MERCY LEJARDE

Sa kabila ng nararanasang pandemya, tuloy naman ang buhos ng blessings sa batang vlogger na si Mary Grace Escober mula sa Bacolod City.

Matapos kasing mag-viral ang “appreciation post” ni Mary Grace para sa kanyang dalawang loyal subscribers sa YouTube ay dinagsa kaagad ito ng samu’t saring offer mula sa iba’t ibang talent agency.

Kuwento ni JAMS CEO and Vice President Jojo Flores, nakakataba ng puso dahil sa dami nang nag-offer na magmanage kay Mary Grace, ang JAMS Artist Production ang napili nila ng kanyang Mama na si Cecilia Constantino.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa ngayon, ayon kay Flores – nakapirma na si Mary Grace ng 3 year contract sa ilalim ng JAMS Artist Production at inaayos na rin nila kung paano sasabak sa matinding acting workshop si Mary Grace para maihanda ito sa kanyang upcoming movie.

Bukod dito aniya, sasailalim din sa modelling workshop si Mary Grace para sa kanyang commercials at dance workshop para naman sa kanyang mga mall tour.

Sabi naman ng CEO at President ng JAMS Artist Production na si Maricar Moina, malaki ang nakikita nilang potensiyal kay Mary Grace, kaya tulad din ng mga naging talent nila – tutulungan nila si Mary Grace na mahasa ang talent nito at makilala ng mga tao.

Matatandaang napahanga ni Mary Grace ang mga netizen dahil sa pagiging mapagpasalamat nito sa maliliit na bagay tulad ng pagkakaroon ng dalawang subscriber sa kanyang YouTube channel – na ngayon ay nasa 227K na.