ni LEANDRO ALBOROTE

Matapos ang ilang oras na gamutan sa Tarlac Provincial Hospital ay namatay ang isang binata na nahagip ng isang sasakyan habang tumatawid sa highway ng Barangay San Rafael, Tarlac City, habang malubha rin ang isa pang lalaki, Lunes ng gabi.

Sa ulat ni Tarlac Police Chief Lieutenant Colonel Modesto F. Carrera, ang namatay ay si Madrid Valentine, 26, ng Macabulos Drive, Bgy. San Vicente, Tarlac City.

Sugatan naman si Walter Pineda, 28, call center agent, ng Sitio Estrella, Bgy. San Rafael, ng naturang Lungsod, na inoobserbahan pa ng mga doktor.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa report, tumakas sa pinangyarihan ng insidente ang nakasagasang sasakyan.