ni MARY ANN SANTIAGO

Isang tatlong taong gulang na babae ang patay sa isang sunog na naganap sa kanilang bahay sa Pilapil Street, Dagupan, Tondo, Manila, Martes ng madaling araw.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 1:13 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa isang apat na palapag na tahanan sa 808 Pilapil St., Dagupan, Tondo, Manila, na pagma-may-ari ni Imelda Quilit.

Nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay at mabilis na kumalat.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Umabot ng ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naideklarang under control dakong 2:18 ng madaling araw at tuluyang naapula dakong 3:58 ng madaling araw.

Nasa 10 tahanan ang natupok sa sunog at may 20 pamilya ang tinatayang apektado nito.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa P300,000 ang halaga ng mga ari-arian naman na naabo dahil sa sunog.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naging dahilan ng sunog.