ni DANNY ESTACIO

MAUBAN, Quezon— Isang chinese national na kawani ng isang hydro powerplant ang nasawi habang nagsasagawa ng ocular inspection sa isang heavy equipment sa Barangay Cag-siay 3, nitong Sabado.

Sa naantalang ulat na ipinadala ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) sa Police Regional Office 4A (PRO4A), kinilala ang biktima na si Song Wei, 38, tubong Wuhan, China at empleyado ng isang hydro powerplant sa naturang lugar.

Dakong 12:40 ng hapon, nagsasagawa ng ocular inspeksyon ang biktima sa isang Volvo 290 backhoe nang aksidenteng humampas sa dibdib nito ang bucket arm ng equipment.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Naisugod pa ang biktima sa Laguna Doctors Hospital sa Sta. Cruz, Laguna, ngunit ideklara itong dead on arrival dahil sa tinamong pinsala sa katawan.