PINAGHARIAN ni Jon Mark Paguntalan Anarna ng Imus City, Cavite ang katatapos na National Youth & Schools Chess Championship - Visayas Leg Under 13 - Boys division sa Tornelo platform.

Ang 10-year-old Anarna na grade 4 student ng Malagasang II Elementary School, Imus City nasa pangangasiwa ng Estavillo Chess Academy ni Coach Ederwin Estavillo at Principal IV Dr. Jocelyn A. Limosinero ay naka kolekta ng six points mula sa five wins at two draws para maghari sa seven-round tournament.

Kabilang sa mga tinalo ni Anarna ay sina Juan Ryu Bagonoc sa second round, Adriel Simbol sa fourth round, Bonjoure Fille Suyamin sa fifth round, Keith Adriane Ilar sa sixth round at Joseph Vergara sa seventh at final round.

Tabla siya kina Stephanie Jabagat sa first round at Justin Luis sa third round.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bida din si 8-year-old Jeanne Marie Arcinue ng General Trias City Chess Club na nag reyna naman sa 2021 Zamboanga Sultans National Age Group Online Chess Championships Mindanao leg Under 10-Girls division.

Nakaipon si Arcinue ng 6 points sa seven outings, kaparehas na iskor na naitala ni Kezia Ruth Libo-on na kanyang tinalo sa tie break points.

“I'm proud of my players Jon Mark Paguntalan Anarna and Jeanne Marie Arcinue, a win like this isn't easy,"sabi ni coach Ederwin Estavillo.