ALCANTARA — Hindi lalabas ng Alcantara bubble ang Tubigon Bohol na walang maipagmamalaking panalo.

Naitala ni Pari Llagas ang tournament-high 35 puntos para sandigan ang Tubigon sa impresibong 92-77 panalo laban sa Tabogon nitong Sabado sa secpnd round ng Visayas leg ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup sa Alcantara Civic Cebter sa cebu.

Kumana ang 6-foot-4 veteran at produkto ng University of the East ng 15-of-17 sa field goal, bukod sa 19 rebounds, tatlong assists at isang blocked para tuldukan ang losing skid ng Bohol para sa 1-6 karta, Nalagpasan niya ang dating mark ana 27 puntos na naitala ni Jerick Nacpil sa panalo ng Dumaguete laban sa Mariners, 88-73, nitong Abril 16.

Sa harap ng mabibilang na audience, kabilang si team owner Gel Jao, hataw ang Mariners sa second period sa ibinabang 12-2 run para burahin ang 23028 paghahabol sa 46-41 bentahe.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nahila ng Tubigon Bohol ang bentahe sa 11 puntos, 73-62, bago nakabawi ang Tabogon mula sa opensa ni Niño Caballero para tapyasin ang kalamangan sa pito may 6:32 ang nalalabi sa laro.

Ngunit, hindi bumitaw sina Joseph Marquez, Jumike Casera, Llagas, Wade Cabizares, at Jonathan Ibarra para sa krusyal baskets na nagpatatag sa Bohol sa ligtas na 89-72 tungo sa huling dalawang minute.

“Matagal ko na rin ‘to hinihintay. Kumbaga, parang icebreaker na rin. Nakahinga na rin,” pahayag ni Mariners head coach Gino Enriquez.

Nanguna si Richmond Bersabal sa Tabongon sa naiskor na 20 puntos at 16 rebounds. Nakamit ng Tabogon ang ikalawang sunod na kabiguna sa second-round para sa 3-5 karta.

Nag-ambag si Arvie Bringas ng 13 puntos, pitong rebounds, at dalawang assists, at tumipa si Christian Diaz ng 10 puntos, siyam na rebounds at dalawang assists.

Target ng Tubigon Bohol na masundan ang panalo sa pakikipagtuos sa KCS-Mandaue sa Martes ganap na 3:00 ng hapon, habang mapapalaban ang Tabogon sa Miyerkoles laban din sa Mandaue ganap na 3:00 ng hapon.

Iskor:

Tubigon Bohol (92)—Llagas 35, Marquez 15, Cabizares 11, Musngi 8, Casera 4, Ibarra 4, Dadjijul 4, Tangunan 3, Montilla 3, Tilos 3, Leonida 2, Apolonias 0.

Tabogon (77)—Bersabal 20, Bringas 13, Diaz 10, Orquina 8, Lacastesantos 7, Caballero 7, de Ocampo 6, Sombero 4, Vitug 2.

Quarterscores: 23-28, 48-43, 73-62, 92-77