Ni Edwin Rollon

ALCANTARA — Walang imposible sa determinasyon at pagpupunyagi.

Pinatunayan ng Tabogon Voyagers na may katapat na tagumpay ang pagsusumikap nang mailusot ang ang makapigil-hiningang 76-73 panalo laban sa ARQ Builders Lapu-Lapu nitong Huwebes ng gabi sa second round ng Visayas leg ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup sa Alcantara Civic Center in Cebu.

Nauna rito, sinimulan ng MJAS Zenith-Talisay City Aquastars ang kampanya saimpresibong 97-65 dominasyon sa Tubigon Bohol para mapanatili ang imakuladang marka sa 6-0 sa six-team tournament na itinataguyod ng Chooks-to-Go at sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB).

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Ratsada ang ARQ sa pagbabalik ng mga beteranong sina Jojo Tangkay, Ferdinand Lusdoc, Franz Arong, Reed Juntilla, at Dawn Ochea na pawangnasuspinde bunsod ng kontrobersyal na laro laban sa Siquijor, at nadomina ang laro tungo sa 73-67 bentahe mahigit dalawang minute na lamang ang nalalabi sa final period.

Ngunit, hindi nawalan ng pag-asa ang Tabogon, sa pangunguna nina Gayford Rodriguez at Arvie Bringas, na nagpakalawa ng 6-0 scoring run para maitabla ang laro sa 73-all may 1:35 sa laro.

Nabalutan ng pag-aalala ang ARQ na hindi nagawang makapuntos sa dalawang possession bago nakakuha ng foul si Bringas at maisalpak ang dalawang free throws para basagin ang pagtabla para sa Tabogon may 46 segundo ang nalalabi.

Sa sumunod na play, sumablay ang dalawang pagtatangka ni Tangkay sa three-point, sapat para maisalba ng Tabogon ang laro tungo sa ikatlong panalo sa anima na laro.

“We never surrendered. We knot on fighting until the end,” pahayag ni Voyagers coach Expedito Delos Santos Jr., “Sabi ko nga sa kanila na tuloy-tuloy lang tayo basta may oras pa.”

Nanguna si Bringas sa Tabogon na may 20 puntos at walong rebounds , habang kumana si Gayford Rodriguez ng 16 puntos, siyam na rebounds, apat na assists, isang steal, at dalawang blocks. Nag-ambag si Joemari Lacastesantos ng 16 puntos.

Kumabig sa ARQ si Lusdoc na may 14 puntos.

Iskor:

(Unang Laro)

Talisay (97)—Acuña 14, Gimpayan 13, Cabahug 13, Eguilos 11, Villafranca 9, dela Cerna 7, Menina 5, Mojica 5, Moralde 4, Santos 4, Casajeros 4, Hubalde 2, Ugsang 2, Cuyos 2, Jamon 2

Bohol (65)—Ibarra 16, Marquez 14, Llagas 13, Musngi 8, Dadjijul 6, Tilos 4, Cabizares 2, Casera 2, Leonida 0.

Quarterscores: 18-20, 38-41, 66-47, 97-65

(Ikalawang Laro)

Tabogon (76)—Bringas 20, Rodriguez 16, Lacastesantos 16, Delos Reyes 8, Vitug 7, Bersabal 4, Diaz 2, Sombero 2, Orquina 1, De Ocampo 0, Caballero 0.

ARQ Lapu-Lapu (73)—Lusdoc 14, Ochea 12, Tangkay 11, F. Arong 9, Juntilla 8, Galvez 6, Mondragon 6, M. Arong 3, Minguito 2, Berame 2, Solis 0, Abad 0, Regero 0.