ni BERT DE GUZMAN

Sinabi ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na hindi dapat payagan ng Pilipinas ang China na ituring ang West Philippine Sea (WPS) bilang isang "community pantry" na puwedeng kunin ang ano mang likas na yamang gusto nito.

Iginiit ni Zarate na ang yamang-dagat sa WPS ay para lamang sa mga Pilipino at hindi para sa mga dayuhan, partikular ng China.

“The West Philippines Sea is not a community pantry where we will just let China ‘get according to its need,’ be it our fish or reefs. The Philippines is ours,” ani Zarate sa kanyang Tweet.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang pahayag ay ginawa ng mambabatas kaugnay ng pagsulpot ng community pantries sa maraming parte ng bansa upang tulungan ang mga tao na nawalan ng trabaho o negosyo bunsod ng lockdowns dahil sa biglang pagdagsa ng COVID-19 cases.

Binira ni Zarate ang paninindigan ni Pangulong Duterte hinggil sa incursion ng China sa WPS. Ayon sa Pangulo, nais niyang labanan ang okupasyon ng China sa WPS, pero ito umano ay magbubunga lang ng digmaan na hindi makakaya ng bansa.

Inamin din ni Duterte na ang pinag-aagawang rehiyon ay nasa kamay na ng China at tanging ang paggamit ng puwersa ang paraan upang mabawi ito ng Pilipinas.

Ang ganitong pahayag, ayon kay Zarate, tungkol sa pagtatanggaol sa soberanya ng bansa na magdudulot lang ng giyera ay isang karuwagan o “clearly defeatist.”