ni Beth Camia
Sinabi ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na maaaring gawing vaccination site ang mga bukas na lugar.
Tinukoy ni Galvez na ang mga lugar na maaring gamitin sa pagbabakuna ay ang gymnasiums, auditoriums, arenas, at iba pang lugar.
"Maganda ang ginawa nila Sir Lino at nga SM groups na talagang binigyan nila ng space ang ating mamamayan especially iyong mga seniors at yung mga mayroong comorbidities," diin pa ni Galvez.
Pinuri rin ni Galvez ang ilang lokal na pamahalaan at pribadong sektorsa nasabing inisyatibo.
“We can see that we have minimized the crowding of people here,” aniya pa.
May tatlong klase ng vaccination center sa Taguig; ito ay ang mega-vaccination hub, community vaccine centers, at mobile vaccination bus.