ni Jun Fabon
MAKALIPAS ang isang Linggo, nasa higit .2 milyon mga pamilya sa QC ang
napagkalooban ng pinansiyal na ayuda na posibleng umakyat sa .3 milyon
sa mga susunod na araw hanggang makumpleto sa ibinigay ng 15 days
extension ng DILG, inihayag ni Mayor Joy Belmonte kahapon.
Base sa datos ng City Treasurer’s Office, lumitaw na nitong April 13,
2021, meron ng 276,389 pamilya katumbas ng 865,000 mga residente ang
nabiyayaan ng ng ayudang pinansiyal ng national government sa
pamamagitan ng Social Welfare and Development (DSWD).
Anila, ang pagpapantay ay nasa 35% ang tinatayang target ng 800,000
pamilyang benepisyaryo ng P2.48 bilyon nakalaang pondo sa Quezon City.
“This is an achievement already given that it has just been a week
since we started distribution and considering the number of people
that we have to cover before the 15-day deadline set for all cities in
Metro Manila,” giit ng Mayora.
Nilinaw ng Alkalde, ginamit ng pamahalaang lungsod ang mga
benepisyaryo sa listahan ng DSWD Social Amelioration Program (SAP),
Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), at mga nasa listahan sa SAP
na kabilang sa low-income bracket at mahihirap na mga sektor.
Batay sa Department of Interior and Local Government (DILG), ang QC ay
pangalawa sa mga local govt. units sa NCR plus ang may pinakamalaking
ayuda na naipamahagi sa mamamayan.
Nabatid kay City Administrator Michael Alimurung, sa kasalukuyan ay
walang reklamo mula sa mga benepisyaryo dahil sa ginawang stratehiya
ng city government upang maging organisado ang pamamahagi tulad ng
pamimigay ng mga stubs sang-ayon sa schedule set, pagpatupad ng
alphabetical scheduling, at limitadong bilang mga taong nakapila araw
- araw ng hanggang 2,000 sa payout centers.
Aniya, sa tulong ng mga Barangay, nabago at naging maayos ang sistema
ng pamamahagi ng ayuda pati basic health protocols gaya ng social
distancing, pagsuot ng facemask at face shield.
Habang lumikha din ang QC government ng Grievance and Appeals
Committees sa kada distribution site para matulungan at mabigyan ng
kosiderasyon ang mga indibiduwal at pamlya na wala sa listahan.