PINAGHARIAN ni La Carlota City, Negros Occidental-native Fide Master Nelson Villanueva ang katatapos na 2021 Pahang International Open Chess Championship nitong Abril 10.

Si Villanueva, isa sa top players ng Caloocan Loadmanna Knights team ni Atty. Arnel Batungbakal, ay naka kolekta ng 7.5 points mula six wins at three draws para magkampeon sa nine-round Open section tournament.

Tumapos si Anadkat Kartavya ng India sa second place na may parehong 7.5 puntos, ngunit mas mababa siya sa tie break points.

Nasa Third at Fourth ay sina Fide Master Sander Severino ng Silay City, Negros Occidental at International Master Joel Pimentel ng Bacolod City, Negros Occidental na may tig-7 puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Apat na manlalaro nakalikom ng tig 6 points subalit matapos ipatupad ang tie break points, si Fide Master Alekhine Nouri ng Escalante City , Negros Occidental ay fifth, si Subramaniam Sumant ng Malaysia ay sixth , si A/P Loganathan Divyadarrshini ng Malaysia ay seventh at si Yunusmetov Hakeem ng Malaysia ay eight.