ni FER TABOY

Sampung indibiduwal ang dinakma ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) dahil sa pagbebenta ng mga pekeng COVID-19 detection products sa Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ni PNP CIDG Director MGen. Albert Ferro ang lider ng grupo na si Marize Santiago na umano’y may koneksiyon sa isang Chinese online selling group; dahilan para ikasa nila ang isang entrapment operation.

Isang operatiba ang umaktong poseur buyer, na binentahan ng 30 kahon ng Clungene rapid tests kits na nagkakahalaga ng P204, 000.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Matapos maibigay ang mga biniling test kits, dito na hinuli ang suspek.

Ikinasa ang operasyon ng mga operatiba ng CIDG at QCPDdakong 11:00 ng tanghali ng Martes sa Scout Bayoran sa Barangay South Triangle.

Nakumpiska rin ng mga pulis ang nasa P9 milyong halaga ng mga assorted rapid test kits.

“During operation, our operatives also confiscated some P9 million worth of unauthorized rapid test kit. The suspects failed to show to the operatives their License To Operate or special permit to sell and distribute the test kits,” ani Ferro.

Hindi nagawang magpakita ng License to Operate ang o special permit ang suspek.

Ayon kay Ferro bago pa ang kanilang operasyon nitong Martes, nagsagawa muna sila ng test buy operation at dito na-verify nila sa Food and Drug Administration kung may lisensiya ang nasabing seller subalit ayon sa FDA hindi ito otorisado na magbenta ng test kits.

Nakumpiska rin ang mga operatiba ng NBI identification cards at badges.

Makikipag-ugnayan sila sa NBI kung miyembo ito ng kanilang ahensiya.

Naniniwala si Ferro na isang malaking sindikato ang nasa likod ng mga nakumpiskang mga pekeng test kits na umiiwas sa pagbabayad ng taxes o buwis.

Isang malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng CIDG ukol sa nasabing operasyon.