ni Fer Taboy
Napatay ang isang drug suspek na nakipagbarilan sa mga awtoridad sa isang buy-bust operation nitong Lunes, Abril 12, ng madaling araw sa Catarman, bayan ng Cordova Cebu, ayon sa iniulat nitong Martes.
Kinilala ang suspek na si Joven Silong, 28, at residente ng Sitio Maghaway 2, Barangay Pasil, Cebu City.
Sinabi sa report unang nagpaputok ng kanyang baril si Silong na nanlaban sa mga atoridad na gumanti naman ng putok at tinamaan ang suspek.
Narekober mula sa suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na hindi bababa sa tatlong kilo at tinatayang nagkakahalaga ng P20,400,000, isang kalibre .45 na pistola, at ang motorsiklong ginamit nito