ni Bella Gamotea

Asahan ang kakarampot na bawas-presyo sa produktong petrolyo na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng bumaba ng 30 sentimos hanggang 40 sentimos ang presyo sa kada litro ng gasolina,10 -15 sentimos sa kerosene at walang paggalaw marahil sa presyo naman ng diesel.

Ang napipintong oil price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

Meralco, tapyas-singil sa kuryente ngayong Mayo

Malimit magpatupad ng price adjustment ang oil companies sa tuwing araw ng Martes sa kada linggo.

Noong Abril 6,huling nagtaas ng 65 sentimos sa presyo ng gasolina at 5 sentimos sa diesel at kerosene ang mga kumpanya ng langis.