PATULOY ang pananalasa nina Arena Grandmaster Fletch Archer Arado ng Zamboanga City at Ivan Travis Cu ng San Juan City sa 2021 Congressman Greg Gasataya National Age Group Chess Championship - Visayas Leg for Under 16 Boys on online tournament sa tornelo.com.

Ang 13-year-old at Grade 7 na si Arado  ng Ateneo De Zamboanga University High School ay nakakuha ng anim na puntos. Pinangagasiwaan nina nina Ateneo De Zamboanga Sports Head Prof. Rey Reyes,  Redkings Chess Manila Coach Fide Master Nelson "Elo" Mariano III at Zamboanga Sultans team owner Canadian National Master Zulfikar Sali ang kanyang kampanya.

Humirit naman ang 12-anyos na si Cu na grade six student ng Xavier School sa naiskor ding 6 points mula six wins at one loss, ngunit lamang si Arado sa tie break points.

Nasa third place si Kelly Martin Balbaboco ng Paranaque City na may 5.5 points.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

"Thank you to the organizers and the sponsors and especially to all my coaches and a special thanks to all the people who never doubted my strength." sabi ni Arado ang Champion sa 2019 Private Schools of Zamboanga City Athletic Association Selection Games at 4th placer sa Grand Finals, NCFP Selection to the World Cadets Online Championship.

Naitala ni Arado ang panalo kina Relghie Columna, Andrei Lory Salvador, Cedric Kahlel Abris, Ivan Travis Cu at Jerome Pullos. Tabla naman siya kina Oshrie Jhames Reyes sa second round at Juncin Estrella sa third round.

Habang naikamada naman ni Cu ang panalo kina Yash Ansell Cayabyab, Khent Darylle Delig, Ariel Santander, Cedric Kahlel Abris, Jerome Pullos at Christian Tolosa. Natamo niya ang nag-iisang pagkatalo kay Arado sa sixth at penultimate round.

Ang iba pang top finishers ay sina Kim Kenneth Santos (Under 20 Boys), Ruelle Canino (Under 20 Girls), Carl Daluz (Under 18 Boys), Christine Faith Tabungar (Under 18 Girls), Prince Rolljhon Baulita (Under 14 Boys), Aeiona Lou Tomas Mendoza (Under 14 Girls), Yosef Immanuel Morada (Under 12 Boys), Jillianne Jumalon (Under 12 Girls), Ghierzen Lhou Sebastian (Under 10 Boys) at Stephanie Jabagat (Under 10 Girls).

Inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines sa magiting na pamumuno ni Chairman/President Senior Deputy Speaker Prospero "Butch" Pichay Jr. sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission kung saan ang Tournament director ay si NCFP Chief Operating Officer GM Jayson Gonzales.