ni Celo Lagmay
Hindi maikakaila na hilahod na ang ating ekonomiya lalo na ngayong hindi humuhupa ang matinding banta ng coronavirus; lalo na ngayong ipinatutupad ang mistulang total lockdown sa mga lugar na hindi mapigil ang pagdagsa ng tinatamaan ng naturang nakahahawang mikrobyo -- COVID-19.
Sa National Capital Region (NCR), napilitang ibalik ng IATF sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) -- mula sa General Community Quarantine (GCQ) -- at pinalawig pa hanggang Abril 11. Kabilang dito ang mga kanugnog na lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na ngayon ay tinatawag na NCR plus bubble. Hindi maiiwasan ngayon ang lalong paghilahod ng kabuhayan dahil sa pagtigil ng tinatawag na economic movement; nabawasan ang transportasyon at mistulang sarado ang mga establisimiyento.
Mabuti na lamang at kagyat namang sumaklolo ang gobyerno sa pamamagitan ng pagkakaloob ng ayudang salapi sa karapat-dapat na mga benepisyaryo hanggang umiiral ang ECQ. Nangangahulugan ba na ititigil na ang gayong pagtulong kapag pinalawig pa ang naturang quarantine status? Marahil nga, sapagkat Malacañang ang mismong nagpahiwatig na hindi na kakayanin ng administrasyon ang pag-ayuda sa sambayanan. Isa itong hudyat sa sambayanan upang pangatawanan ang pagsunod sa mahihigpit na health protocol upang mabawasan ang tinatamaan ng nakamam