Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng taas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Marso.
Sa abiso ng Meralco, nabatid na ang taas-singil na ₱0.6427 kada kilowatt hour (kWh) ay bunsod ng mas mataas na generation at transmission charges.
Ayon sa Meralco, dahil sa taas-singil, ang overall rate para sa isang typical household ay magiging ₱13.8161 per kWh na ngayong buwan, mula sa dating ₱13.1734 per kWh noong Pebrero.
Nangangahulugan din ito ng dagdag na ₱129 na bayarin para sa mga tahanang nakakakonsumo ng 200 kwh kada buwan at ₱193 para sa mga nakakagamit ng 300 kwh kada buwan.
Nasa ₱257 naman ang dagdag-bayarin sa mga tahanang nakakakonsumo ng 400 kwh at ₱321 para sa mga nakakagamit ng 500 kwh kada buwan.