Ni  NITZ MIRALLES

Nakikiisa si ang Disney Princess at Broadway star na si Lea Salonga sa panawagan na itigil ang Asian Hate na may mga Filipino nang nabiktima at nakikiisa sa panawang #StopAsianHate. 

Tsika at Intriga

Yen Santos nagsalita na, may ibinunyag na 'something personal'

Pinost ni Lea ang video ng isang Filipina senior citizen na sinaktan ng isang lalake na mas malaki sa kanya. Ang nakalulungkot pa, nakita ng isang security guard ang nangyayari, pero hindi man lang tinulungan ang babae at isinara pa ang pintuan ng building na binabantayan.“This is still happening. And this is a stone’s throw away from Broadway theatres. My mom woud walk to church on her own, feeling totally safe in this city, and I never had to worry about her. I guess those days are over,” tweet ni Lea.

Sinundan ito ng isa pang tweet at sabi, “Anti-Asian racism isn’t anything new... I was in a musical not that long ago that told the story of one of the most egregious sins committed against the Japanese- American community.

“Those who don’t learn history will be doomed to repeat it.”

May mga rally nang ginagawa sa Amerika para ipanwagan na matigil ang pananakit at pambubugbog sa mga Asian-Americans, pero hanggang ngayon, patuloy pa rin itong nangyayari.