Xinhua
Bilang pagkomento sa “new type of world war” sa retorika hinggil sa pamamahagi ng bakuna, binigyang-diin ng isang opisyal ng World Health Organization (WHO) official nitong Sabado ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagitan ng mga lider ng mundo.
“Frankly, we are in a war, and leaders are right. We are in a war and it’s a war against the virus, not against each other,” pahayag ni Bruce Aylward, senior advisor to the Director-General ng WHO sa isang virtual press conference mula sa Geneva.
Ang pahayag ay kasunod ng pahayag ni French President Emmanuel Macron nitong Huwebes, na “we face a new type of world war” habang nagsasalita hinggil sa vaccine export strategy ng Europe.
“Europe is…the only continent…that has a true vaccine strategy,” pahayag ni Macron matapos ang virtual European Union summit.
Binanggit din ni Macron ang ilang media reports na nagsasabing suportado niya ang export control mechanisms na inilatag ng European Commission, lalo’t ang United States at Britain ay kapwa pinoprotektahan din ang kanilang sariling vaccine production.
Pagbabahagi ni Aylward nakipag-usap na ang WHO sa ilang pinuno ng pamahalaan mula noong mag-umpisa ang pandemya at “they have common purpose in this and that common purpose is to beat this virus. There’s absolutely no question about that.”
Bilang pag-ulit sa panawagan ni WHO Director-General para sa pagbabahagi ng vaccine doses sa mga bansa na may kakaunting kakayahan, sinabi ni Aylward na, “it’s the right thing to do, to make sure everyone has access to these rare or scarce, for the moment, resources, vaccines in particular.”
Nitong Biyernes, sinabi ni Michael Ryan, executive director ng WHO Health Emergencies Programme, na habang ginagawa ng karamihan ng mga lider ang lahat ng kanilang makakaya para sa kanilang nasasakupan, kailangan din nilang tingnan ang “global perspective.”
“We see all humanity as equal [with equal rights to health],” giit niya.