KINAILANGAN ng Laguna Heroes na dumaan muna ng butas ng karayom para makapuwersa ng PCAP Northern Conference Finals showdown kontra sa San Juan Predators na namayani naman sa Caloocan Loadmanna Knights.

Panalo ang Laguna Heroes sa Manila Indios Bravos , 3-0, sa Armageddon play nitong Sabado ng gabi sa isang virtual chess match via lichess.org.

Panalo si Heroes’ Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla Jr. (white) kontra kay Manalo Indios Bravos’ Grandmaster Julio Catalino Sadorra (black) matapos ang 30 moves ng English Opening habang tabla si Fide Master Austin Jacob Literatus (black) kontra kay Fide Master Deniel Causo (white) matapos ang 66 moves ng Alekhine Defense , at ginapi naman ni Grandmaster John Paul Gomez (white) si International Master Cris Ramayrat (black) matapos ang 73 moves ng Old Indian defense, ayon sa pagkakasunod.

“Black wins in case of a draw during Armageddon play,” ayon kay Arena Grandmaster Alfredo “Fred” Paez.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Suportado ng Greatech Philippines, Inc., SDC Global Choice, Jolly Smile Dental Clinic at ng Rotary Club of Nuvali, panalo ang Laguna Heroes sa Armageddon duel kontra sa Manila Indios Bravos matapos maghati ng panalo sa first two sets 12-9 at 8-13.

Ang iba pang miyembro ng winning Laguna Heroes squad ay sina Woman National Master Jean Karen Enriquez, Fide Master Jose Efren Bagamasbad, Vince Angelo Medina, Kimuel Aaron Lorenzo at Candidate Master Arjie Bayangat