ni Nora V. Calderon

 NAPAPANAHON ang tema at story ng drama anthology na I Can See You: Love on the Balcony, na tungkol sa isang frontliner nurse at wedding photographer, kaya ito ang napili ng GMA Network na ipalabas sa Maundy Thursday, April 1, at marathon ang airing nito, meaning mapapanood ang limang episodes nito nang tuluy-tuloy.

KILALANIN: Sino si Denise Julia na inireklamo ni BJ Pascual?

Tampok sa mini-series si Asia’s Multimedia Star Alden Richards bilang si Inigo Mapa, isang wedding photographer na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, at ang kapitbahay niyang frontliner nurse na si Lea Carbonel, played by Jasmine Curtis-Smith.

Balikan ang kuwento nina Inigo at Lea ngayong Holy Week dahil hindi lamang ito kuwento ng pag-ibig na nabuo sa pagitan nila, kundi kuwento rin ng pag-asa, pagpapa-tawad, at pagtuklas sa sarili.

Ayon kay Alden, hindi lamang daw ito tungkol sa pandemic, “it’s really a story about hope, forgiveness, self-discovery, love, nandiyan lahat dito, ganoon din ang paglaban natin araw-araw sa buhay.”

Kasama rin sa episode sina Pancho Magno, Shyr Valdez, at Denise Barbacena. Alamin sa story kung naging matagumpay ang pagmamahalan nina Inigo at Lea sa isa’t isa.

Mapapanood ang “I Can See You: Love on the Balcony,” sa Huwebes Santo, April 1, mula 7:15 PM, pagkatapos ng Ten Commandments sa GMA-7.